Katayan ng manok maghihigpit sa safety standards

PARA maitaas ang antas ng safety standards sa mga  palengke, maghihigpit ang Quezon City veterinary office simula bukas, Nobyembre 28 sa pagmo-monitor sa iba’t ibang  chicken dressing facilities sa may 16 na pampublikong palengke na nag-ooperasyon sa lunsod.

Sinabi ni City veterinarian Dr. Ana Maria Cabel na may  49 chicken dressing facilities na kinakailangang i-monitor tulad ng Kamuning, Commonwealth, Suki at Frisco markets.

Ang inisyu aniyang permit ng market development at administration department para sa mga may-ari ng chiken dressing shops  ay hindi para makapag-operasyon bilang retailers at wholesalers ay hindi bilang mga  operator ng slaughterhouses, dagdag pa ng the city veterinarian.

Kaugnay nito, nakumpiska ang may 8 kilo ng sari-saring meat products mula sa 9 na meat processing facilities na nag-ooperasyon sa Barangays Talipapa, Payatas, Sauyo and along Mindanao Avenue.

Ang meat products ay kinabibilangan ng ham, salami, skinless longganisa at siomai, na iniulat na iprinoseso sa ilalim ng unsanitary conditions, at hindi dumaan sa proper food preparation at handling.

Sinampahan ng kasong paglabag sa sanitation code ang mga may-ari ng mga meat processing plants.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply