Katukayo ni Cristine Reyes, 3 iba pa wanted sa Rizal PNP

ISANG katukayo ng sikat na sexy actress na si Cristine Reyes at dating kahera ng Rizal provincial government ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad matapos sampahan ng kasong malversation o paglustay sa pondo ng pamahalaan, sa Pasig City at Binangonan Regional Trial Court.

Bukod kay Reyes, kinasuhan ng malversation of public funds sa ilalim ng revised Penal Code, si Virginia Payumo, ang dating kahera ng Angono General Hospital.

Ang kaso ni Reyes ay nakahain at naitala bilang Criminal Case No. 137982 sa Pasig City Regional Trial Court Branch 157, habang si Payumo ay kinasuhan sa ilalim ng Criminal Case No. 04-550 sa Binangonan (Rizal) Regional Trial Court Branch 68.

Nagpalabas na rin ng mga warrant of arrest laban sa dalawang akusado.

Naihain na rin ang mga nabanggit na kaso sa Ombudsman para sa kaukulang aksyong-legal.

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operations ang Philippine National Police para tugisin sina Reyes at Payumo dahil na rin sa warrant of arrest.

Samantala, dalawa naman ang pinagsasauli ng pera na nagkakahalaga ng halos P1 milyon.

Nag-isyu ang provincial legal department ng demands for restitution laban kay Nancy Celerian, dating kahera, para maisauli nito ang nawalang pera na nagkakahalaga ng P729,885.93 sa loob ng 72 oras.

Ganito rin ang inilabas laban kay Willardo Paralejas, dati ring kahero ng Angono General Hospital, na umano’y lumustay ng P231,794.00 at dapat na maibalik ang nasabing halaga sa loob ng 24 oras.

Hawak na ng provincial legal office ang mga dokumento at ulat na magdidiin sa mga akusado.

“Ito ay magsisilbing babala sa lahat upang mapangalagaan ang pondo ng taumbayan. Huwag sana nating dungisan ang imahe ng mga lingkod-bayan. Dapat nating alalahanin tuwina na ‘public service is a public trust’,” pahayag ni Rizal Gob. Jun Ynares.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply