Kay daling lumaki ng ulo ni Derek Ramsay!

MARAMING members ng PMPC ang nagtatampo at na-disappoint kay Derek Ramsay dahil sa hindi pagsipot sa fund raising concert ng Biggest Laffter sa Zirkoh Morato last Saturday dahil may sakit daw. Mabuti na lang at napuno ni Ai Ai delas Alas ang venue at may nakuhang kapalit sa katauhan ni Erik Santos. Pero grabe ‘yung stress na ginawa niya dahil umaga raw ito nagsabing may sakit, na kung tutuusin, puwede naman siyang magrest at mag-take ng gamot para makabangon ng 12 midnight sa show. Kahit magpakita lang siya at humingi ng paumanhin na masama ang kanyang pakiramdam.

Sa ganitong show kasi, the show must go on. Ang pinaka-excuse lang niya ay pag na-confine siya sa ospital o patay na siya.

Mabuti na lang at nag-enjoy ang mga tao kay Ms Ai Ai na kahit masama ang pakiramdam ay pinuntahan pa rin ang commitment at kahit nasa ospital ang nanay niya ay tinupad pa rin niya ang kanyang pangako na mag-concert para sa fund raising show ng PMPC. Sey ni Ai Ai ayaw niyang magkaroon ng one year supply ng negative publicities.

Sayang lang dahil marami ang nag-refund daw ng tickets nang malamang wala si Derek. Binabaan na lang ang presyo ng tickets dahil maraming naghanap dito.

Alam naman natin na man of the hour si Derek kaya marami ang nagkakainteres na mapanood siya.

Ang nakawiwindang, twice na itong ginawang pambibitin ni Derek sa PMPC. Una ay nu’ng umoo siyang maging trivia host sa Star Awards for Movies nu’ng 2010. Ang nakakaloka, biglang umatras ito samantalang naka-sked na si Toni Gonzaga na mag-taping sa Mowelfund at ganoon din ang inupahang camera.

Ginawa na naman niya ang pang-i-indiyan sa fund raising show ng PMPC.

Sabi pa ng ilang katoto, kung talagang may respeto o concerned si Derek and his management office sa PMPC, dapat sana ay gumawa sila ng paraan para maghanap ng alternate niya. Pero wala raw silang ipinalit – basta nagsabi lang siyang may sakit siya at hindi makararating kaya nataranta ang buong grupo hanggang makuha nga si Erik.

The height ang stress na idinulot ni Derek Ramsay. Just because alam daw niyang “boxoffice star” siya ngayon – is it enough reason para lumaki ang ulo niya?

Disappointed talaga ang mga kapatid sa nangyari. Marami pang nagalit na customers na bibili pa sana ng tickets for the show – hiyang-hiya ang PMPC members sa mga ticket-holders dahil sa pag-no show ni Derek. Ayaw nila siyempreng pagbintangang nanloloko sila ng audience, kasi nga um-oo si Derek sa kanila. Ito ang sabi ng ilang kasamahan – “hayaan mo, pag lumaki na ang funds ng PMPC, magbabayad kami ng presyo ng artists para siputin kami.” Meaning, this press group got offended talaga. “kung talagang may magpapahalaga siya sa amin, sana dumating na lang siya at nagpakita sa audience – kahit hindi na siya nag-perform para huwag naman kaming masira sa tao.”

I’m sure aayusin ito ng mabait at magaling makisamang talent manager na si Joji Dingcong pero maraming members ang na-hurt.

Sey ng ng isang past president, “pito ang bisita kong nagpa-reserve ng tickets dahil kay Derek. Nang dumating sila at nalamang wala si Derek, dalawa na lang ang binili nila sa akin para huwag lang akong mapahiya pero hindi na rin sila nanood. they moved to another place instead.”

Ang kaibigang Jobert Sucaldito, may 12 friends na nagpa-reserve dahil kay Derek pero dahil sa tweet niyang may sakit siya at hindi makakarating, hindi na rin pumunta ang mga friends namin. Ang mismong manager na si Marlon, 24 ang naka-reserve na gustong mapanood si Derek, nang abisuhan na hindi makakarating, hindi na rin sila nanood. Pati ‘yung guwardiya ng Zirkoh, may dalawang nabentahan niya ng tiket na nagreklamo at nalambing na lang na babaan ang presyo ng tiket niya.

Laki ng epekto sa show – laking tulong sana sa club kung dumating si Derek.

Nag-text ang manager ni Derek Ramsay na si Joji Dingcong to apologize sa PMPC. He promised that his artists Derek Ramsay, Matteo Guidicelli, John Reid and Bianca Manalo are willing to do a free show for PMPC para makabawi sila. Ito ang sagot ng ilang members ng PMPC – “Derek did this to us for the 2nd time kaya we cannot afford to be hurt on the 3rd kaya huwag na lang.”

Anyway, nakatakdang mag-meeting ang 53 members ng club kung papaano i-handle ang pag-no show ni Derek.

Ang nakakaloka pa nag-tweet si Derek at nagso-sorry kay Ai Ai sa hindi niya pagsipot sa concert. Pati na rin sa phone patch na ginawa sa kanya sa mismong show, kay Ai Ai siya nagso-sorry at hindi sa PMPC.

“Bakit sa akin siya nagso-sorry, dapat sa PMPC. Hindi naman ako producer. Baka akala niya pa-show ko ito,” sambit ni Ai Ai.

Napansin din ng mga katoto na parang kayang bumangon ni Derek sa boses niya habang kausap si Ai Ai dahil tumatawa pa.

Sigaw tuloy sa kanya ng ilang audience sa Zirkoh nang humihingi siya ng paumanhin sa telepono, ‘liar.’

At nang tanungin ni Ai Ai ang audience kung okey na ang paghingi ng sorry sa cellphone ni Derek, malakas ang sigaw ng ‘hindi.’

Natawa pa kami sa pagbibiro ni Ai Ai at pagsabi kay Derek ng ‘sayang hindi ko nahawakan ang bird mo.’

‘Yun na.

oOo

IBA talaga si Angeline Quinto dahil hindi lang si Sarah Geronimo ang slant ng kanyang publicity kundi pati na rin si Regine Velasquez.

Mula raw nang manalo siya sa Pinoy Popstar ng ABS-CBN at maging isang recording artist ay nakilala niya na ang idolo niyang si Regine Velasquez.

Wish lang ng baguhang singer na sana raw ay kunin siya ni Regine na ninang ng unang magiging supling nila ni Ogie Alcasid.

Sige na nga!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply