Kayang i-bone biopsy si GMA sa Pinas– PMA

DISMAYADO ang Philippine Medical Association (PMA) sa naging pahayag ng kampo nina Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na walang espesyalista dito sa bansa para sa gamutin ang kanyang sakit.

Ayon kay PMA gov. Dr. Leo Olarte na kayang-kayang gawin dito sa bansa ang bone biopsy na kailangan ng dating Pangulo.

Iginiit ni Olarte na mayroong sapat na kakayahan ang mga doktor dito sa bansa na gawin ang naturang procedure at mayroon ding sapat na kagamitan para i-bone biopsy si Gng. Arroyo.

Bagamat ikinadismaya ng PMA ang pahyag ng kampo ni CGMA, sinabi naman ni Olarte na wala silang pagtutol sa nais ni Arroyo na magpagamot sa ibang bansa.

Ngunit, naniniwala pa rin si Olarte na may tiwala naman si dating Pangulong Arroyo sa kakayahan ng doktor dito sa bansa.

Ito aniya ay dahil sa dito nagpaopera ang dating Pangulo ng kanyang cervical spine.

Sinabi ni Olarte na posibleng hindi lang alam ng dating Pangulo na mayroong metabolic bone expert dito sa bansa.

Pagdidiin nito, higit na mas maselan pa ang unang tatlong operasyon ng dating Pangulo sa leeg nito kumpara sa kalagayan nito ngayon.

Samantala, tumutol naman si Olarte sa panukala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na i-lifestyle check din ang mga self-employed para matiyak na nagbabayad ang mga ito ng tamang buwis.

Sinabi nito na mas kailangang i-lifestyle check ang mga nagtatrabaho sa gobyerno upang malaman kung angkop ang kanilang antas ng pamumuhay sa kanilang kinikita.

Maari rin naman aniya na i-double check kung nagbabayad ng tamang buwis ang mga nasa private sector sa ibang pamamaraan at hindi sa pamamagitan ng lifestyle check.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply