KC Concepcion magpe-perform sa SEAG Indonesia

Palembang— Usap-usapan ang napipintong pagdating ng sikat na movie celebrity na si KC Concepcion upang magbigay ng entertainment performance sa opening ceremony ng 26th Southeast Asian Games na dadaluhan ng mahigit 50,000 manonood kabilang na si Indonesian president Susilo Bambang Yudhoyono at mapapanood ng milyon katao sa buong mundo.

At sa gitna ng usapin, – ang Cultural Officer ng Pilipinas mula sa Manado  — na tiyakin kung ang naturang performer ay ang sikat na anak ni Mega Star Sharon Cuneta.

“Although there is a difference in the spelling of the name, it might be her so we just would want to know so we can extend any type of assistance she might need,” pahayag ni Richard Billedo, bahagi ng delegasyon ng Philippine Embassy na pinamumunuan ni Ambassador Ma. Rosario Aguinaldo.

Kabilang din sa mga opisyal ng embahada na sina Abdullah Rasuman, administrative officer at attaché, gayundin si Consular officer Noli Susi, na nakabase din sa  Manado, isang lungsod sa North Sulawesi.

Base sa advance program na natanggap ng embahada,  magtatanghal si KC at aawit ng  “Together We Will Shine” ang theme song ng SEAG kasama ang  Indonesian artists na sina Agnes Mojica at Malaysian Jacklyn Victor ganap na alas 8 ng gabi ng Nov. 11.

“That can be a boost for our athletes if it is confirmed that it is really the popular KC Concepcion,” pahayag ni Deputy Chief of Mission Romeo Magat, na nagpahayag ng malaking posibilidad na ang Pinay actress nga ang tinutukoy sa programa bunsod na rin ng pagiging UN ambassador of goodwill.

Ayon kay Magat, inaasahang darating ang bulto ng Team Philippines sa pangunguna ni  Philippine Olympic Committee President Jose Cojuangco Jr. sa Nov. 10, isang araw bago ang opening ceremony at ang pormal na pagtataas ng mga bandila ng 11 bansang kalahok sa SEAG biennial meet.

Sasabak ang Team Philippines sa 19 sports sa Palembang at 22 sa  Jakarta, gayundin ang pitong sports sa West Java.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply