Pinaggagawa ni Piolo hindi na malunok ni KC

UMIIYAK na kinumpirma na ng TV host/actress/singer na si KC Concepcion ang paghihiwalay nila ni Piolo Pascual.

Sa isang panayam, emosyonal si KC nang sabihing dumating na sa puntong hindi na niya kayang tanggapin at lunukin ang mga nangyayari.

Matapang daw niyang hinarap ang mga panahon na kinailangan niyang pumasok sa trabaho at nagpanggap na siya ay OK pero ngayon ay naramdaman niyang wala siyang peace of mind.

Hindi raw nito matanggap na sa tuwing humaharap sa interviews ang ex-boyfriend ay nakukuha pa nitong tumawa at idaan sa biro ang sitwasyon.

Una nang inihayag ng Megastar daughter na niyakap nito ang buong pagkatao ni Piolo pati na ang pagkakaroon ng anak.

Pero nasasaktan daw si KC dahil mayroon siyang hinahanap kay Piolo na aniya’y “basic” lang na gusto ng isang babae sa isang relasyon.

Nanghihinayang din daw ito noong magkaroon sila ng pagkakataong mag-bonding sa Amerika pero hindi naman nila ito na-enjoy.

“Hindi ako ang hinahanap niya… Hindi ako ang kailangan niya sa buhay niya. Hindi ko mabigay yung kailangan niya,” ani KC.

Sa kabila nito, naniniwala naman daw ang singer/actress sa sinabi sa kanya ni Piolo na minahal siya nito kahit nabalewala ang napakaraming chance na ibinigay niya sa aktor.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply