Kelly Fisher nagreyna sa WPA World Ten Ball Championship

MANILA– Tinalo ni Kelly Fisher ng Great Britain si Pei Chen Tsai ng Chinese-Taipei, 10-4, sa finals para magreyna sa katatapos na 2011 Women’s World Ten Ball Championship sa Robinson’s Galleria sa Ortigas kagabi (Linggo, Nobyembre 6).

Ito ang kauna-unahang WPA World Championship title ni Fisher na unang hiniya si Yu Han ng China, 9-4, sa semifinal round.

Si Pei Chen Tsai naman ang nagpataob kay Ga Young Kim ng Korea, 9-4, tungo sa titular showdown kay Fisher.

Si Fisher, former US Open women’s champion ay undefeated sa event. Sa final stages ay biniktima din niya si Akimi Kajatani ng Japan 8-2, Lai ng Taipei 8-5, at  Han bago talunin si Tsai tungo sa titulo.

Napasakamay ni Fisher ang top prize na $20,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply