Kelot kalaboso sa pang-uumit ng deodorant

HIMAS-REHAS na ngayon ang isang lalaki matapos magnakaw ng deodorant sa supermarket sa Navotas kahapon (Nobyembre 14).

Nakilala ang suspek na si Rafael Lasareto, 25 at taga-Parole St., North Bay Boulevard North ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon, pumasok ang suspek sa Ever Supermarket sa North Bay Boulevard South ng lungsod at kumuha ng apat na piraso ng Axe Twist na nagkakahalaga ng P200 bawat isa.

Nakita naman ng guwardiyang si Rodolfo Quiñones na ibinulsa ng suspek ang mga kinuha at nang papalabas ang suspek ay agad na sinita dahil hindi binayaran ang mga deodorant.

Hindi na nakapalag ang suspek nang dalhin sa presinto at sinampahan ng kasong theft.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply