Kelot kulong sa pandadaliri sa 5-anyos pamangkin

KULONG ang isang binata matapos daliriin ang ari ng 5-anyos na pamangkin habang natutulog ang huli sa Caloocan City kagabi (Lunes, Nobyembre 7).

Nakilala ang suspek na si Eduardo Urbano, 26 at taga-Tagaytay St., ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, natutulog ang 5-anyos na biktima sa kanilang bahay sa nasabing lugar nang lapitan ng suspek at daliriin ang ari.

Nagising ang biktima dahil sa kirot at pagmulat ng mata ay nabungaran ang suspek na may dalang patalim.

Tinutok ng suspek ang patalim sa leeg ng biktima at tinakot na papatayin kapag nagsumbong.

Matapos na maisagawa ang makamundong pagnanasa ay tumakas ang suspek.

Kahit makirot ay nakatulog ang biktima subalit kaninang umaga ay masakit pa rin ang ari kaya kanyang sinabi ito sa ina.

Nang tanungin ay nagawa ng magsumbong ng biktima na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipinadakip ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply