Kelot na lasing, nasagasaan ng tren

ISANG lasing na lalaki ang nasagasaan ng tren sa bayan ng Ragay sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ang biktima ay nakilala sa pangalang Jay-ar Igno, 24 taong gulang at residente ng naturang bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng Ragay Philippine National Police, galing umano sa isang lamay si Igno at binabagtas nito ang riles ng tren habang ito ay papauwi sa kanilang tahanan. Eksakto namang may dumaan na tren na nagmula pa ng Maynila patungong Naga City. Dagdag pa ng pulisya malamang ay hindi na napasin ang biktima ng rumaragasang tren at hindi na ito nakapagpreno.

Nangako naman ang Philippine National Railways ng financial na tulong sa mga naiwan ng biktima.

Pinaalalahanan din ng pulisya ang mga residente sa naturang bayan na iwasan maglakad sa riles ng tren para maiwasan ang disgrasya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply