Empleyado nagkunwaring hinoldap, tiklo

ISANG lalaki ang nahuli sa sariling bibig sa Naga City makaraang magpa-blotter ito na hinoldap umano siya at tinangay ang ipinapadeposito ng kanyang amo.

Ayon kay SPO1 Luis Caparroso ng Naga City Police, pumunta umano ang suspek na si Erwin Cariño, 19, at nagpasama pa ito sa isang utility personnel ng C & E Publishing Incorporation – Snow White Ladies Dormitory, para ipa-blotter na hinoldap umano siya habang naglalakad papuntang bangko para ideposito ang kita ng naturang kompanya na nagkakahalaga ng P101,421.00.

Subalit nang ipaulit ng pulis kung papaano nangyari ang panghoholdap ay nag-iba na ang kuwento nito kumpara sa nauna nitong pahayag.

Dahil dito, nagduda na ang mga awtoridad at napag-alaman na isa siya sa mga suspek at kasabwat umano nito ang nangholdap sa kanya.

Sa ngayon ay nakapiit na sa kulungan sa Naga City Police Station si Cariño.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply