Kelot nagwala: 1 patay, 2 sugatan

PATAY ang isang construction worker habang sugatan naman ang dalawa pa matapos pagsasaksain ng nagwalang kapitbahay Lunes ng hapon (Nobyembre 21) sa Brgy. Ugong, Valenzuela City.

Hindi na umabot na buhay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng isang malalim na saksak si dibdib si Alfredo Minalawaan, 36.

Inoobserbahan din sa nasabing pagamutan si Neria Pojarillo, 58, sanhi ng tama ng saksak sa kamay habang ang anak nitong si Querino Pojarillo ay nagtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nahaharap sa kasong homicide at two counts of attempted homicide ang pinaghahanap na suspek na si Leandro Ribucas, 22.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang nagkaroon ng mainitang pagtatalo si Querino at ang suspek sa nasabing lugar .

Sa gitna ng pagtatalo agad nagbunot ng patalim ang suspek at sinaksak si Querino nang makita itong duguan ng ina nitong si Neria ay agad  itong lupampit para payapain subalit siya naman ang sinaksak..

Lumapit naman si Alfredo para tulungan ang mga duguang biktima subalit siya naman ang pinagbalingan saksakin ng nagwawalang si Leandro.

Sama-samang isinugod ang mga biktima sa nasabing pagamutan sublit si Alfredo ay naubusan ng dugo kaya hindi na umabot  na buhay.

Ptuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya sa agarang ikadarakip sa salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply