Kelot nahulihan ng kahon-kahong tranquilizer

ISANG 26-anyos na lalaki ang nahulihan ng kahon-kahon ng mataas na uri ng tranquilizer ng pinagsanib na puwers ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) at Philippine National Police sa lalawigan ng Cebu, ayon sa ulat ngayon.

Ang suspek ay nakilala na si Giovanny Baya, residente ng Barangay Tungkil, bayan ng Minglanilla, Cebu.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, sinalakay ng mga tauhan ng PDEA-7 at Minglanilla police ang tahanan ni Baya kasunod ng ilang buwang pagmamanman sa aktibidades nito.

Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang 100 kahon ng Nuvain na isang uri ng tranquilzer/relaxant na ikinokonsiderang isang klase ng downers sa lengguwahe ng mga drug user.

Sa kabuuan aabot sa 1,000 ampules ng Nubain ang nakumpiska ng mga awtoridad na nagkakahalaga ng P300,000.

Nakapiit na ngayon sa Cebu provincial detention cell ang suspek.

Nakatakdang sampahan kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 si Baya bukas (Nobyembre 18).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply