KELOT nakuryente, patay

ISANG lalakin ang pinaniniwalaang namatay dahil sa pagkakakuryente sa bayan ng Bula sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ang biktima ay kinilalang si Niño Luzada, 25, residente ng Barangay Pawili, Bula, Camarines Sur.

Base sa inisyal na report, ang biktima ay nasa ibabaw ng isang truck na nakaparada sa harap ng isang rice mill nang biglang mahulog. Ayon sa PNP Bula imposible umanong mahulog na lang basta-basta ang biktima dahil sa sanay na ito na umakyat ng truck.

Hinala nila ay dumikit ito sa tatlong live wire ng Camarines Sur Electric Cooperative (CASURECO) na malapit sa pinaradahan ng truck at ito ay nakuryente kung kaya ito ay nahulog.

Isasailalim sa awtopsiya ang biktima para malaman ang ugat ng pagkakamatay nito.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply