Kelot natagpuang patay sa isang hotel sa Tacloban

PINANINIWALAANG namatay sa sobrang excitement sa kama ang isang 45-taong gulang na lalaki na natagpuan sa loob ang kwarto ng isang hotel sa lungsod ng Tacloban.

Ayon kay SPO1 Abelardo Dugan, may hawak ng kaso, ang biktima ay kinilalang si Edie Tabernero, 45, residente ng Roxas City, Capiz. Si Tabernero ay foreman umano ng Leyte Metropolitan Water District (LMWD).

Ipinaalam ng umano ng Tacloban City PNP at pamunuan ng LMWD sa mga kaanak ng biktima ang naturang pangyayari upang kaagad maasikaso ang bangkay nito.

Wala umanong nakikitang foul play ang pulisya sa pagkamatay ng foreman.

Samantala, nagsasagawa na ng autopsy sa bangkay ni Tabernero para eksaktong malaman ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply