Kelot tinadtad ng saksak sa Batangas

PINAHAHANAP na ng awtoridad ang mga kainuman na pinaghihinalaang pumatay sa isang lalaki sa Balayan, Batangas.

Umaabot sa 50 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng biktimang si Salvador Austria, 35, nang matagpuan ang bangkay nito sa bahagi ng tubuhan sa Barangay Gimalas sa nabanggit na lugar.

Malaki ang hinala ng nobya ng biktima na ang mga nakitang kainuman ni Austria na sina Arnel Briones at Joel, alyas “Guco” ang pasibleng may kagagawan ng krimen.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pananasak na ikinamatay ng biktima at patuloy na pinaghahanap ang mga kainuman nito para magbigay linaw sa naganap na krimen. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply