Kelot tinambangan, patay

ISANG lalaki ang nasawi makaraang harangin at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa Quezon City kagabi (Linggo, Nobyembre 20).

Inilarawan ang biktima na nasa edad 35-40, kayumanggi, may katamtamang pangangatawan, may taas na  5’2-5’5, nakasuot ng putting t-shirt at cream short pants, at nakasumbrero.

Nabatid na mayroon ding tattoo na “Rose” sa kaliwang dibdib ng biktima.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong 11:30 ng kagabi sa V.V. Soliven St. corner Commonwealth Avenue, Barangay Commonwealth ng nabanggit na lungsod.

Sinabi sa ulat ni PO2 Rommel Mayo, kasama umano ng biktima ang witness na si Ricardo Simeon at naglalakad sa kahabaan ng V.V. Soliven  St. nang biglang harangin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki.

Pagsapit ng biktima at witness sa Commonwealth Avenue walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril ang biktima na ikinasawi nito noon din sa pinangyarihan.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek at iniwan ang duguang biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply