Kelot todas sa riding in tandem

DEDO ang isang kelot matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng isang motorsiklo habang naglalakad sa Malabon City kaninang madaling-araw.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa mukha at katawan si Freddie Taraya, 20.

Batay sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling-araw, naglalakad malapit sa kanilang bahay ang biktima nang parahan ng mga suspek at pagbabarilin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka habang dinala naman ang biktima sa TMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply