Kia magtatayo ng bagong planta sa China

JIANGSU, CHINA– Sa gitna ng kabi-kabilang pagtigil ng operasyon ng ibang car manufacturers, inanunsyo ng KIA Motors Corporation ang plano nitong magtayo ng panibagong manufacturing plant sa China sa susunod na taon.

Ito ay bahagi ng kanilang pagtugon sa tumataas na demand para kanilang mga sasakyan, lalo na sa China. Ang Dongfeng Yueda Kia Plant na itatayo sa Economic and Technology Development Zone ng distrito ng Yancheng sa Jiangsu, ay ang ikatlong manufacturing plant ng Kia.

Ayon sa mga report na nakalap ng kompanya, malaki ang itinaas ng kanilang sales matapos maitayo ang kanilang ikalawang planta, na limang kilometro lamang ang layo sa lupang tatayuan ng bagong planta.

Nito lamang Setyembre, pasok ang Kia sa listahan ng top 10 carmakers sa China, at maging ang global sales nito ay tumaas ng 13.6% kumpara noong isang taon.

Dito sa Pilipinas, ang Kia Picanto at Kia Rio ang itinuturing na top-selling models ng Korean company, partikular na ang Kia Rio, na kadalasa’y ginagawang taxi’ng pampasada.

Ang Dongfeng plant ay matatapos sa taong 2014 at inaasahang makapaglalabas ito ng 300,000 na yunit mga sasakyan taon-taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply