Killer ng ama ni Charice di nagpadala ng surrender feeler

HINDI nagpadala ng surrender feeler si Angel Capili Jr, suspek sa pagpatay sa ama ni Charice Pempengco.

Ito ang pahayag ngayon ni Laguna Police Director Senior Superintendent Gilbert Cruz.

Ani Cruz, wala pa silang natatanggap na impormasyon mula sa suspek na susuko na ito.

Gayunman, napabalita umanong nais na nitong sumuko matapos malamang may nakapatong na P100,000 pabuya sa kanyang ulo.

Kahapon (Nobyembre 2), dinagdagan pa ng P100,000 ang naunang halaga ng pabuya kaya patuloy ang manhunt ng Task Force Pempengco sa suspek.

Ginagalugad na umano nila ang mga lugar na posibleng pagtaguan ni Capli tulad ng Cavite, Batangas, Quezon at bahagi ng Bicol Region.

May nakapagbalita rin umano sa kanilang sa Laguna lamang nagtatago si Capli.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply