Killer ng ama ni Charice na-inquest na

MATAPOS sumuko at aminin na napatay niya si Ricky Pempengco, ang ama ni singing sensation Charice, ay sumailalim na sa inquest proceedings sa Laguna prosecutor’s office si Angel Capili, Jr.

Humarap si Capili kay Laguna Provincial Prosecutor George Dy kasama ang kanyang mga abogado mula sa Public Attorney’s Office.

Binigyan ng piskalya ng dalawang opsyon si Capili: una, ang idiretso na ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya sa korte o ikalawa ay, sumalang muna sa preliminary investigation.

Pinili ni Capili na sumalang sa preliminary investigation.

Sampung araw ang ibinigay ng prosecutor kay Capili para isumite ang kanyang counter affidavit kaugnay sa kihakaharap na kaso

Bago ito, sumuko sa Capili sa awtoridad at hiningi nito ang kaligtasan ng kaniyang pamilya.

Iginiit rin nito na self-defense lamang ang ginawa nito laban kay Pempengco na tinangkang saktan siya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply