UPDATE: Killer ng tatay ni Charice nasa Camp Crame na

DUMATING na sa Camp Crame ang suspek sa pagpatay sa tatay ni international singing sensation Charice Pempengco na si Ricky Pempengco.

Kasama ang escort na Cavite police,  si Angel Capili, Jr. ay itinurn-over na sa mga police sa Camp Crame sa Quezon City.

Si Capili ay sumuko kay barangay captain Rolando Pagkalonggal sa isang lugar sa General Trias, Cavite kanina lamang.

Idinulog naman ng kapitan si Capili kay Gen. Trias Mayor Luis A. Ferrer na siyang nakipag-ugnayan sa pulisya.

Si Capili ay sinalubong ni Regional Director PCSupt. Gil C. Meneses na nakatakdang ipresinta sa pamilya ng biktima ano mang oras mula ngayong araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply