Kinaliwa ng ka-live-in, kelot lumagok ng silver cleaner

NAGPAKAMATAY ang isang 36-anyos na empleyado ng Globe Telecom sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner matapos na maaktuhan ang kanyang live-in-partner na kaulayaw ng kanyang best friend sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si Manuel De Leon, techinician ng Globe at residente ng 1652 Antonio Rivera St.,Tondo, Maynila.

Sa report ni PO2 Jet Tajonera ng Manila Polcie District (MPD)-homcide section, dakong 8:15 ng umaga nang madiskubre ang pagkamatay ng biktima ng sarili nitong anak sa loob ng kanyang kuwarto.

Nagtaka umano ang magulang ng biktima kung bakit hindi pa ito lumalabas ng kuwarto gayung tanghali na at may pasok pa ito sa trabaho.

Dahil dito, inutusan ng magulang ng biktima ang anak ng biktima na si Keisha Marie, 12, na puntahan ang ama sa kanyang kuwarto.

Sarado umano ang kuwarto ng biktima kaya puwersahang binuksan ang pinto nito at tumambad sa kanila ang katawan nito na nakahandusay sa sahig.

Nakuha sa tabi ng biktima ang isang bote ng silver cleaner at anim na pirasong suicide note na isa para sa kanyang pamilya, para  sa ka-live-in na si Rosell, para sa Visatech (Globe), para sa kanyang mga dating kaklase sa Jose Abad Santos High School at M. Hizon Elementary School at isa sa pamilya ni Rosell.

Sa suicide note para sa ka-live-in partner, paulit-ulit nitong binanggit ang katagang “I love you” subalit tila may panunumbat na huwag na itong manlalaki pa dahil babantayan niya ito.

Ayon kay Tajonera, bagamat anim na taon nang nagsasama ang dalawa, nitong nakaraang dalawang lingo ay tuluyan nang  naghiwalay ang dalawa.

Sa katunayan, pinalayas na ng pamilya ng biktima si Rosell matapos na natuklasan na may ibang karelasyon ito subalit hindi naniwala ang biktima dahil nabulagan sa sobrang pagmamahal sa ka-live-in.

Nabatid na inihatid pa umano ng biktima si Rosell sa kanilang bahay.

Subalit nakalipas ang ilang araw ay dinalaw ng biktima si Rosell kung saan naaktuhan nitong magkasiping ang huli sa kanyang kasamahan sa trabaho at itinuturing na best friend.

Nabatid na may dalawang anak ang biktima sa unang karelasyon nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply