Kinatatakutang asteroid babagsak bukas

PINAWI ng Department of Science and Technology (DoST) ang pangamba ng publiko sa sinasabing pagbagsak ng asteroid na kasinlaki ng aircraft malapit sa mundo bukas ng umaga, Miyerkules.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ang nasabing asteroid, codenamed YU55 ay maliwanag na masasaksihan ng sino man dahil hindi naman magiging maulap ang papawirin.

Gayunman mahihirapang makita ang pagbagsak nito sakaling gagamit ang mga amateur astyronomers ng telescope na may laki na  6 inches ang diameter habang babagsak patungo sa direksiyon ng araw.

Pinawi rin ni forecaster Elvie Enriquez ang haka-haka ng publiko na magugunaw na ang mundo gaya ng ipinapakita sa mga pelikula dahil ang YU55 ay daraan lamang sa mundo pero hindi dito babagsak gaya ng hula.

Sinabi ng mga eksperto na sa kanilang kalkulasyon, sakali aniyang bumagsak ang ganoon kalaking asteroid sa mundo ay maaari itong lumikha ng 4,000 megaton na pagsabog, pagyanig na may magnitude 7.0 , at kung sa tubig naman aniya tatama ay lilikha ng may taas na 70-foot na taas tsunami at may lawak na 60 miles mula sa kinabagsakan.

Ang pagdaan ng asteroid ay inaasahang daraan sa mundo pasado alas-5:28 ng hapon, (7:28 a.m. Manila time).

Nauna na ring nilinaw ng National Space Aeronautics Administration (NASA) na ang asteroid YU55 ay hindi babagsak sa mundo at gumagawa na sila ng paghahanda upang matunton ito.

Ayon pa sa NASA, huling naitala noong 1976 ng may bumagsak na malaking space rock  malapit sa mundo pero hindi pa rin alam ng astronomers ang paglagpak nito.

Ang susunod na pagbagsak muli ng asteroid na may gauun ding kalaki ay mangyayari sa 2028.

Gagamit ng mga antenna ang scientists ng NASA para matunton ang asteroid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply