Kindergarten Act, Anti-Discrimination Act aprub na

INAPRUBAHAN na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Anti-Discrimination Act sa trabaho at iba pang lugar sa lipunan kabilang ang Kindergarten Education Act of 2011 bago mag-adjourn ang Senado nitong Lunes (Nobyembre 21).

Unang inaprubahan ng 19 na senador ang Kindergarten Education Act na insiponsor ni Sen. Edgardo Angara na naglalayong simulan ang edukasyon ng lahat ng bata simula sa limang taong gulang na naunang inaprubahan sa ikalawang pagbasa bago mag-recess ng Kapulungan noong Oktubre.

Aprubado rin sa Senado ang Senate Bill 2814 na panukala ni Sen. Loren Legarda na naglalayong bawasan ang diskriminasyon sa buong bansa sakaling tuluyan nang maisabatas ito.

“Our Constitution provides that the State has the mandate to protect any person – an all-encompassing term that applies equally to all human beings, regardless of their racial, ethnic or religious affiliation. We even entered into various international commitments to end racial discrimination including the International Convention on the Elimination of all forms of Racial Discrimination. Despite this, we remain a nation that throws all forms of bias and prejudice at those who we perceive to be ‘different’ from the majority,” ayon kay Legarda.

Sinabi ni Legarda na itinataguyod ng panukala na magkaroon ng isang lipunan na pinahahalagahan ang dignidad ng bawat mamamayan at ginagarantiyahan ang kabuuang respeto sa karapatang pantao kahit anupaman ang lahi, relihiyon at ethnicity.

Layunin ng panukala na parusahan ang anumang pagkilos ng diskriminasyon sa mga sumusunod na larangan: trabaho, edukasyon, paghahatid ng produkto at serbiosyo, akomodasyon, media at search and investigatory activities.

Sinabi naman ni Angara na isinulat ang Kindergarten Education Act bilang flexible hanggang maaari – hindi tinutukoy ang kurikulum at depende ito sa paaralan na magpapatupad ng panukala.

Hindi rin dapat mag-aalala ang mga local government unit sa pondo dahil inaatasan ng batas na gamitin ang mga day care center sa itinayo sa bawat barangay bilang silid-aralan para sa kindergarten.

Idinagdag pa ni Angara na naniniwala siyang na maitataas ang kalidad ng edukasyon ng bawat Filipino sa Kindergarten Act na maaaring isabay sa K12 curriculum ng administrasyon na nagdadagdag ng dalawang taon sa high school.

“Because we lack the prescribed number of years in school, our engineering graduates are only hired as engineering assistants, and our nurses as nursing aids, when they go abroad,” aniya. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply