Kinidnap na antique trader natagpuang patay

PATAY na ang isang gold at antique trader na nakabase sa Maynila nang matagpun ito ng pulisya ng Cotabato.

Nakuha ng Marine Unit at Cotabato Police Unit ang bangkay ng biktimang si Dominador Mendoza Berdin, 53, gold, antique at jewelry trader mula sa Mandaluyong City sa Kinagatan River.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala si Berdin, dalawa sa leeg at isa naman sa kanyang tiyan.

Nabatid na una nang kinidnap si Berdin ng grupo ng armadong kalalakihan habang kausap nito ang isang negosyante sa Hillside Resort Hotel sa Datu Odin sa Maguindanao.

Ayon sa report ng Datu Odin Municipal Police Chief  Inspector  Lendsy Sinsuat, isang nakilalang “Modz” ang pinaniniwalaang may kinalaman sa pagkidnap at pagpatay sa biktima  dahil nabanggit umano ni Berdin ang ibinebenta nitong antique jewelry.

Nauna na ring naaresto ng pulisya sa dalawang kidnapper na nakilalang sina Norodin Malik at Ryan Usman na nakakulong ngayon sa Maguindanao Provincial Police Headquarters. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply