Klase sa elementary, high school sa Albay sinuspinde

DAHIL sa walang humpay na pag-ulan, sinuspinde na ang klase sa elementarya at high school sa pribado at pampublikong paaralan sa buong lalawigan ng Albay.

Ayon kay Albay Gobernor Joey Salceda idineklara ang suspensyon ng klase dahil wala umanong kapasidad ang estudyante para pangalagaan ang kanilang sarili.

“This is for health and safety reason” ayon kay Salceda.

Nakabantay ang lokal na pamahalaan sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng ulan.

Sa kasalukuyan may ilang lugar sa Albay ang binabaha at pinaghahadaan na ng pamahalaan ang paglilikas sa mga residente na puwedeng maapektuhan ng pagtaas ng tubig baha.

Ang patuloy na pag-ulan ay bunsod ng low pressure area (LPA) sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply