Koko dismayado sa TRO ng Supreme Court

DISMAYADO si Senador Aquilino Pimentel III sa Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu ng Supreme Court laban sa Department of Justice watchlist order laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

“I think it would have been prudent if the SC had first called for a factual investigation on the true medical conditions of the former President before issuing a TRO that would allow her to seek medical treatment abroad,” ani Pimentel.

Nauna nang sinabi ni Senador Francis Escudero na maituturing na pagsubok ito sa kakayanan at kapangyarihan ni de Lima.

“Testing the limits of her power within the bounds of the law- yes, but not when it comes to coming up with a noble and sometime absurd interpretions of the law, iba yung stretching sa absurd interpretation na ng batas,” ani Escudero

“Siguro yung ilang law students na nanonood kagabi, tinatayuan ng balahibo sa mga sinasabing MR (motion for reconsideration) sa TRO, doon sa sinasabing hindi effective yung TRO dahil hindi sila pinakinggan, hindi effective yon hangga’t hindi natatanggap, magkabilang panig ay guilty noon, liwanagin ko lang din. Tama lang ang DOJ na sabihing hindi pa namin natatanggap, in the ordinary course of events, tama lang, malay ko nga ba kung peke o totoo yung TRO na yan, malay ba ng Bureau of Immigration official na yung pangalang nakalagay sa TRO ay siya nga yung tao,” ani Escudero.

Naniniwala naman si Pimentel na dapat na alamin pa rin ni de Lima ang tunay na kondisyon ni dating Pangulong Arroyo kay Health Secretary Enrique Ona.

Ito’y dahil sa pagpipilit ng Philippine Medical Association na marami tayong medical specialists at hospital sa bansa na maaaring makagamot ng bone disease dahil sa pagpipilit pa rin ng dating Pangulo na makalabas ng bansa.

Ang maaaring gawing hakbang ng gobyerno ay sampahan na ng electoral sabotage, plunder at iba pang charges ang mga Arroyo upang matigil na ang pagpipilit ng mga ito na makalabas ng bansa at sa pangamba na hindi na ito bumalik sa Pilipinas.

“I believe President Aquino himself offered to fly in the medical specialists of choice of Mrs. Arroyo if only to show that the government merely wants to ensure that the ends of justice is served,” ani Pimentel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply