Koko: Ikulong na si GMA

KUNG si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III lamang ang masusunod, dapat ikulong si dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos kumpirmahin ng kanyang gma doktor na puwede na siyang “umuwi.”

“Ngayon naideklara nang fit to go home si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng kanyang mga doktor, puwede na rin siyang makulong,” ayon kay Pimentel.

Ipinagmalaki pa ni Pimentel na siya ang ugat ng pagkakaaresto kay Mrs. Arroyo dahil siya mismo umano ang naghain ng kasong electoral sabotage sa Department of Justice (DOJ) kahit nauna nang iniimbestigahan ng DOJ-Comelec joint panel ang kaso.

Ang Comelec ang naghain ng kasong electoral sabotage sa Pasay City Regional Trial Court, hindi ang DOJ.

“I am the reason why GMA has been arrested,” ayon kay Pimentel sa kanyang talumpati sa Grand General Membership Meeting ng JCI Manila.

 “This case is but a chapter in our crusade for a better Philippines,” dagdag pa ng senador.

Ipinangako pa ni Pimentel na magsasagawa ito ng pamamaraan upang maiwasan ang korapisyon sa prosesong electoral at litisin at maipakulong ang sinumang magsasamantala sa boto ng ating mamamayan.

“Graft and corruption is the worst form of rottenness in our society. It erodes the moral fabric of our people, robs the poor and deprives them of life’s basic necessities, increases the costs of doing business, erodes tax collection efforts, and drives away investments. The World Bank estimates that at least 20 percent of government project funds end up as kickbacks. If we want a better quality of life for all, then as a people, we must purge graft and corruption out of our system,” paliwanag ni Pimentel.  Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply