Koko nasa mabuti nang kalagayan

LIGTAS na sa ano mang kapahamakan si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III matapos isugod sa ospital kaninang hapon.

Ayon sa kanyang ama na si Sen. Aquilino Pimentel Jr., umabot sa 150 ang presyon ng dugo ni Koko pero ngayon ay bumalik na ito sa normal.

Sinasabing sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City dinala ang senador dahil sa over fatigue.

Pinayuhan ng kanyang mga doktor si Sen. Pimentel na magpahinga.

Napag-alaman na hindi nakasama ang senador sa nakatakda sanang press con kasama sina Senador Teofisto Guingona III at Francis Pangilinan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply