Kolehiyala dumayb nang patalikod sa mall, dedo

DAHIL hindi natapos ang thesis na isang requirement sa kanilang eskuwelahan, isang college student ang tumalon nang patalikod sa ikatlong palapag ng shopping mall sa Iloilo City kaninag umaga.

Brain dead na nang dalhin sa Iloilo St. Paul’s Hospital sanhi ng pagkabasag ng ulo at pagkalasog ng katawan ang biktmang si Vina Marie del Rosario, 22-anyos, fourth year nursing student ng St. Theresa College at residente ng Barrio Obrero Lapuz, Iloilo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga sa 3rd floor ng Atrium shopping mall na nasa Gen. Luna St., Iloilo City.

Bago ito, nabatid na pinoproblema ng biktima ang paggawa ng kanyang thesis dahil hindi malaman kung paano ito sisimulan.

Sa katunayan, naghanap pa ang ina nito kamakalawa ng gabi para kumuha ng serbisyo ng isang statistician pero sa hindi malamang dahilan ay hindi rin ito natapos.

Ngayong araw mismo, nakatakda umanong isumite ng biktima ang kanyang thesis sa kanyang maestro pero dahil hindi nga natapos ay nagtungo ang biktima sa nasabing mall upang doon wakasan ang buhay.

Ayon sa isang Luben Calixto, isang beautician sa hair salon, tinangka niyang pigilan ang biktima pero hindi niya ito inabutan.

Kuwento rin ng isa pang nakasaksi na si Mayen Abangan, trabahante rin sa salon, mukhang problemado ang dalaga nang kanilang makitang nakaupo.

Makalipas lamang aniya ang ilang saglit ay umakyat ito ng upuan at patalikod na tumalon.

Inihayag naman ng security guard ng mall na nakatalaga sa exit, nagulat lamang siya nang marinig ang malakas na kalabog at nakita ang biktima na bumagsak sa sahig sa mismong harapan niya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply