Kongreso kakalampagin sa RH Bill

MAHIGIT 3,000 estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa ang nangakong gagamitin ang lahat ng social media upang kalampagin ang Kongreso na pagtibayin ang panukalang Reproductive Health Bill na nakabinbin sa loob ng 10 taon.

Sinabi ng mga estudyanteng dumalo sa ginanap na Forum for Family Planning and Development na pinangunahan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, awtor ng panukala, na gagamitin nila ang Facebook, Twitter at You Tube upang ipaabot sa Kongreso ang kanilang kahilingan pabor sa RH Bill.

Sinalubong si Santiago sa Muntinlupa ni Mayor Eldrin San Pedro, na siyang isa sa special guest ng pamantasan.

Pinangunahan ang campus pledge ni Gio Tiongson, national chairman ng   Student Council Alliance of the Philippines, at commissioner-at-large of the National Youth Commission; Migs Angeles ng Coalition for Students’ Rights and Welfare; Roby Camagong, presidente ng Alyansang Tapat sa Lasallista; Hazel Perez ng  Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa; J.C. Tejano, chair ng CSSP Student Council of the University of the Philippines-Diliman; at Juven Navarro, Presidente ng  Political Science Society of the Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa.

Kasama ni Santiago sa naturang symposium si Heart Evangelista, isang RH advocate.

“Tapusin na natin ito!” mariing pahayag ni Santiago sa kanyang speech na naghudyat ng standing ovation mula sa mga estudyante.

Sinabi ng mga estudyante na layunin nilang patunayan ang tinaguriang youth vote at pasubalian ang tinatawag na Catholic vote.

Habang tinutukoy ni Santiago na isang freedom of information bill ang RH bill para sa mga indigent parents, sinabi naman ng mga lider-estudyante na para sa kanilang henerasyon ang RH bill dahil sila mismo ang aani ng benepisyo nito.

Ayon kay Santiago, napagtagumpayan ng mga kritiko ng RH bill na iaantala ang debate sa panukala na ngayon nasalalak sa period of interpellations.

“Normally, the period of interpellation is followed by the period of amendments.  So we shall try to file a motion to move to the period of amendments, after which voting will follow,” aniya.

Dahil dito, kinondena ng mga estudyante ang “delaying tactics” na ilang senador sa pamamagitan ng litanya ng mga tanong kabilang ang pagtatanong hinggil sa komposisyon ng contraceptive pill. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply