Kongreso kinalampag sa FOI Bill

MULING kinalampag ni Sen. Alan Peter Cayetano ang Kongreso na pabilisin ang pagsasabatas ng Freedom of Information (FOI) Bill bilang panggalang ng mamamahayag laban sa pagtatangka sa kanilang buhay tulad nang naganap na Maguindanao Massacre.

Ayon kay Cayetano, hindi magiging ligtas ang mamamahayag kundi magkakaroon ng sandata ang publiko na malaman ang lahat ng transaksiyon sa gobyerno na ugat ng malawakang pagpatay sa media na naganap noong Nobyembre 23, 2009 sa Maguinandao.

“It is alarming to see that the perpetrators of this most heinous crime, deemed as the single most deadliest event for journalists in history, have yet to be brought to justice,” ayon kay Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na nabigo ang sistema ng katarungan na papanagutin ang may-sala sa iba pang kaso ng pagpatay sa miyembro ng media kaya dumami ang bilang nga mamamahayag na napapatay na may 11 huling bilang sa ilalim ng dalawang taon ng administrasyon.

“Jose Daguio, Miguel Belen, Edilberto Cruz, Edison Flameniana Sr, Doc Gerry Ortega, Cirili Gallardo, Len Flores-Sumera, Romeo Olea, Niel Jimena, Johnson Pascual and Roy Quijada Gallego are the 11 journalists whose deaths have yet to be served by justice,” banggit ni Caeytano.

“How many more do we not know about? How many more do we have to see before we act?,” tahnong ng senador.

Naniniwala si Cayetano na nagpapatuloy ang pagpatay sa mga journalist dahil patuloy din na nabibigo ang Kongreso na maipasa ang FOI bill na siyang magbibigay ng karapatan sa mamamahayag na makakuha ng impormasyon sa lahat ng transaksiyon sa gobyerno kabilang ang mga kontrata upang maiwasan o masugpo ang korapsiyon.

“Most of the killings of journalists are linked to their expose’ of corruption cases by many unscrupulous local government officials,” ayon kay Cayetano.

Naniniwala si Cayetano na kapag naisabatas ang FOI Bill, hindi na kailangan pang isakripisyon ng mga mamamahayag ang kanilang buhay at seguridad ng kanilang pamilya sa ngalan ng katotohanan at kalayaan dahil ginagarantiyahan ng FOI bill ang transparency at accountability sa lahat ng transaksiyon ng gobyerno.

“Journalists, who are supposed to be the vanguards of truth and freedom in the society, are now under attack and this only reflects the failure of our justice system. How can we say that we are a free country if we can’t even protect those who promote free press?,” ayon kay Cayetano. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply