Korap at inutil na pamahalaan ang dahilan

KAWAWA naman ang republika ni Juan.

Bumabagsak na ang pinagkakakitaan nitong eksportasyon ng mahigit sa 20%, iniiwasan pa ito ng mga negosyante.

Tumutumal ang palengke ni Juan sa labas ng bansa dahil sa mga krisis na dinaranas ng mga dayuhan.

At ang higit na masakit, sa $100 bilyong dolyar na inilalagak na puhunan ng mga dayuhan na negosyante sa Asya, kakatiting lang ang naliligaw sa Pilipinas.

oOo

Itong huli na problema, Suki, ang pag-iwas ng mga mamumuhunan ang ating papasadahan.

Ayon sa mga dayuhan, nabubuwisit sila sa napakaraming bagay.

Pero alam ba ninyo ang mga pangunahing problema nila?

Heto. Sa kuryente pa lang, lugi na sila dahil sa napakamahal ito.

Akalain ba natin kasi na simula nang umiral ang Electric Power Industry Reform Act na naglalayong maging apordabol ang kuryente, eh, kabaligtaran ang nangyari hanggang sa tayo na ang may pinakamahal na kuryente sa buong Asya.

Matindi rin ang korapsyon na nagpapabago ng mga patakaran tuwing magpapalit ang pamunuan ng gobyerno.

Kinakansela ng mga bagong lider ang mga kontrata at proyekto para mapasakanila ang tongpats dito.

Andiyan din ang katakot-takot na trapik na kumakadena sa pagdaloy ng negosyo at kainutilan ng mga ahensiya ng pamahalaan sa mga problema sa negosyo.

oOo

Kabilang sa mga inutil na ahensiya ang Dept. of Energy na walang ginagawa sa sobrang mahal na langis at kuryente, National Telecommuni-cations Commission na inutil sa mga suwitik na kompanya ng telepono at Philippine National Police na walang inaatupag kundi ang mangotong sa mga negosyante sa lansangan.

Paano tayo hindi iiwasan ng mga negosyante niyan, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply