Koreano natangayan ng gamit sa loob ng fast food chain

DUMULOG sa Manila Police District-General Assignment Section ang isang Korean national matapos na matangayan ng gamit sa isang kilalang fast food chain sa Ermita, Maynila kaninang umaga, habang kumakain kasama ang nobya.

Ayon sa GAS, dakong 10:30 kaninang umaga ng personal na magreklamo ang baktima na si Ijun Kwak,36, engineer at pansamantalang nanunuluyan sa 781 Eastwood Hotel, sa Pasig City.

Sa pahayag ng girlfriend ni Kwak na si Bernandita Dulog, 20, taga-Mindoro, kumakain sila ng kasintahan sa Chowking sa may Ermita ng nasabing lungsod nang hindi nila namalayan na nawawala na pala ang bag ng nobyo na naglalaman ng kanyang pasaporte, laptop at dalawang cellphone.

Sinabi ni Dulog na posibleng ang lalaking nakasabay nilang kumain ang siyang kumuha sa bag ng kasintahang Koreano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply