Koreano patay, 2 sugatan sa banggaan ng 2 bangka

BINAWIAN ngayon ng buhay ang isang Korean national habang sugatan ang dalawa pa nitong kasama matapos na bumangga ang sinasakyang banana boat sa isang motorized banca sa Cebu City.

Ayon sa ulat, ang banana boat na sinasakyan ng mga biktima ay hila-hila ng isang jet ski nang mabangga ito ng isang napadaang bangkang de motor.

Tumilapon sa tubig ang mga biktima na naisugod pa sa ospital ngunit ideneklara ng dead on arrival ang isa sa mga ito.

Iniimbestugahan pa ngayon ang nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply