Korte nagbabala sa mga susuway sa ligal nilang kautusan

NAGBABALA ngayon ng Korte Suprema na maaaring makulong ang sinumang susuway sa ligal nilang kautusan.

Ayon kay Supreme Court Spokesman Justice Midas Marquez, maaaring mapatawan ng indirect Contempt of Court ang mga hindi rerespeto sa magiging desisyon ng Kataas-Taasang Hukuman.

Binigyang diin pa ni Marquez na ang naturang kaso ay may kaparusahang hindi baba sa anim na buwan, may multang tatlumpung libong piso at mananatili sa kulungan ang napatawan nito hangga’t hindi sinusunod ang
kanilang kautusan.

Matatandaang pinigilan ni Justice Secretary Leila De Lima ang dating Pangulong Gloria Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo na makalabas ng bansa upang makapagpa-checkup sa kabila ng pagbibigay pahintulot sa kanila ng Korte Suprema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply