Korum sa sesyon bukas tiniyak ni Belmonte

MAY korum ang sesyon bukas kahit maraming kongresista ang ngayon ay nasa Las Vegas, Nevada at personal na nanood ng laban nina Saranggani Rep. Manny Pacquiao at Mexican boxer Juan Manuel Marquez.

Ito ang pagtiyak ni House Speaker Feliciano Belmonte sa Batasan gym kung saan siya nanood ng salpukang Pacquiao-Marcos III kasama ang ilang kongresista at mga empleado ng Kamara de Representantes.

Paglilinaw pa ni Belmonte na 27 mambabatas lamang ang naroon sa Las Vegas samantalang nasa 286 ang kabuuang bilang ng mga kongresista kung kaya tiniyak niyang may korum sa pagbubukas ng sesyon bukas-November 14.

“I think okey lang because we can muster a quorum on Monday. They are there to give moral support to our colleague.”

Ibinalita rin ni Belmonte na dalawang linggo pa lamang ang nakararaan ay nasa Los Angeles, California, USA kung saan nagkasalo pa sila ni Pacquiao sa isang agahan.

Ipinaliwanag ni Belmonte na mas ginusto niyang umuwi ng maaga at huwag ng hintayin ang laban ni Pacquiao dahil kailangang narito siya sa pagbubukas ng sesyon.

Inamin niya rin na nag-alok si Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez na gagawan na lamang ng paraan upang makarating siya ng Pilipinas ng November 14 sa mismong araw ng pagbabalik ng sesyon matapos ang halos isang buwang bakasyon.

Kabilang sa 26 na mambabatas na nananatiling nasa US hanggang sa laban ni Rep. Pacquiao ay sina Reps. Rodolfo Antonino (NUeva Ecija), Tomas Apacible (Batangas),Ma. Rachel Arenes (Pangasinan), Benjamin Asilo (Manila), Catalina Bagasina (ALE partylist), Alfredo Benitez (Negros Occidental), Marc Douglas Cagas (Davao del Sur), Aurora Cerilles (Zamboanga), Vincent Crisologo (Quezon City), Ben Evardone (Eastern Samar), Antonio Ferrer (Cavite),

Florenctio Garay (Surigao del Sur), Teodorico Haresco (Kasangga Partylist), Bernadette Herrera-Dy (Bagong Henerasyon Partylist), Seth Frederick Jalosjos (Zamboanga del Norte), Carol Jayne Lopez (YACAP Partylist), Oscal Malapitan (Caloocan), Karlo Alexei Nograles (Davao City),Rosenda Ann Ocampo (Manila), Hussein Pangandaman (Lanao del Sur), Jesus Sacdalan (North Cotabato), Danilo Suarez (Quezon), Sigfrido Tinga (Taguig), Sherwin Tugna (CIBAC Partylist) Czarina Umali (Nueva Ecija) at Peter Unabia (Misamis Oriental).

Samantala, bagama’t wala sa listahan ng travel authority para sa buwan ng Nobyembre si Manila Rep. Amado Bagatsing ay nakapag-text ito ng “oo, andito na nga ako.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply