Kotse, dump truck nagsalpukan sa QC

BUMANGGA ang isang kotse sa isang dump truck sa bahagi ng Commonwealth East bound lane kaninang madaling araw.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-5:30 matapos mag-overtake ang naturang kotse at pumailalim sa dump truck na mayroong kargang mga buhangin.

Bagama’t walang iniulat na nasaktan sa insidente, nagdulot naman ito ng pagkakabuhul-buhol ng trapiko sa nabanggit na lugar.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng QCPD kaugnay sa naganap na insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply