Kotse niratrat, 2 sakay patay

PATAY ang isang lalaki at ang kasama nitong babae matapos na pagbabailin ang sinasakyang Honda Civic ng mga armadong kalalakihan na lulan rin ng dalawang kotse sa Malaybalay City kaninang madaling araw.

Base sa driver’s license na narekober sa crime scene, isa sa biktima ay nakilalang si Osmund Rey Dalugdog ng Matina Village, Davao City samantalag wala pang pagkakakilanlan ang kasama nitong babae.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nagkasa ng pananambang at maging kung ano ang motibo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling araw ilang metro lamang ang layo sa Central Mindanao University campus.

Ayon sa mga nakasaksi, bago ang insidente, ay nakita nila ang dalawang sasakyan na tila hinihintay ang pagdaan sa lugar ng mga biktima.

Hindi naman nagkamali ng kutob dahil ilang minuto lamang ang nakalipas ay nakarinig na sila ng mga sunod-sunod na putok ng baril.

Pinuntahan naman agad ng mga residente ang pinaggalingan ng putok at nadatnang wala nang buhay ang dalawang biktima.

Nakarekober ang pulisya ng 50 empty shells ng M-16 ammunition sa crime scene.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply