Kulungan ni GMA, handang-handa na

HANDA na ang kwarto na magsisilbing piitan ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Southern Police District (SPD) sakaling ipag-utos ng korte na ikulong ang dating pangulo

Ayon sa tagapagsalita ng SPD na si Chief Inspector Jenny Tecson, ang detention cell ay ang SPD public information office na inayos na upang magkasya ang isang folding bed para kay GMA kapag dinala na sa kampo.

Ang kwarto ay air-conditioned at may sukat na 3 meters by 6 meters at may lababo at gripo.

Dati aniyang mini-library at media lounge ng reporters na nagkokober sa SPD ang nasabing silid.

Sinabi pa ni Senior Supt. James Bucayu, deputy district director para sa administration at SPD officer in charge, handang-handa na ang kwarto para bukas ng umaga kapag natanggap na ng Pasay Regional Trial Court Branch 112 Judge Jesus Mupas ang pagbabalik ng arrest warrant mula sa pulis.

Maliban sa desisyon ng korte bukas kung ididitine ang dating pangulo sa kampo, didinggin din ng korte ang katwiran ng bawat kampo ng prosekusyon at depensa sa kahalagahan ng hold departure order laban sa dating pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply