Kumander ng NPA nasakote ng militar

NASAKOTE ng pinagsanib na puwersa ng militar at Philippine National Police (PNP) ang isa sa umano’y kumander ng New People’s Army (NPA) sa Negros Island, Cadiz City.

Kinilala ni Colonel Oscar Lactao, commanding officer ng Philippine Army 303rd Brigade, ang nasakoteng opisyal ng NPA na si Romeo Nanta, alyas Juanito Magbanua, Jack Nanta, Juaning, Islao at Kulas na sinasabing commanding officer at Regional Operations Commander ng Komite Rehiyonal-Negros.

Ang pagkaka-aresto sa opisyal ng NPA ay batay na warrant of arrest kaugnay sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan kabilang dito ang murder, attempted murder, rebellion at robbery in band.

Batay sa record ng militar, si Nanta ay  responsible sa pagsalakay at pagkakadis-arma sa 1st Provincial Mobile Group detachment sa Barangay Malasibog, Escalante noong Marso 19, 2006 at tinangay nito at ng kasamahan ang iba’t ibang armas.

Nasasangkot din si Nanta sa panggugulo sa Villegas Detachment sa Barangay Villegas, Guihulngan, Negros Oriental noong  Abril 2006 at pagsunog sa Victorias Milling Company at Central Lopez transloading station sa Barangay San Jose, Toboso noong Marso 2008.

Responsible rin si Nanta sa pagsunog sa e Globe Telecom cell site sa Purok Mabuhay, Barangay Poblacion, Toboso, Negros Occidental  at itinuturong umatake  La Libertad Police Station sa Negros Oriental noong taong 2008. Ang grupo rin ni Nanta ay nang-ambush sa  Barangay Salamanca, Toboso na sinasakyang ng mga sibilya na ikinamatay ng tatlong pasahero at malubhang nakasugat sa tatlong sibilyan noong Hulyo 2009. Si Nanta ay nakapiit ngayon San Carlos City PNP. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply