Kung si Gerald ready na magmahal, Sarah may trauma pa rin sa pag-ibig

KUNG si Gerald Anderson ay inaming handa na ulit siyang magmahal, todo iwas naman ang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo sa isyung posibleng mapunta sa ligawan ang tambalan nila ng aktor.

Say ni Sarah, hindi muna siya mag-eentertain ng mga ligaw-ligaw ngayon at ganundin din naman si Gerald na naka-focus ngayon sa kanyang career.

Revelation pa ng Pop Star Princess, takot na siyang magmahal muli dahil sa nangyari sa kanyang pag-ibig noon.

Dagdag pa ng aktres, kung magmamahal siyang muli ay gusto niya yung kaya siyang ipaglaban at hindi siya lang ang lalaban para sa kanilang relasyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply