Kung totoong hiwalay na, tigilan na ang pagpapanggap!

KUNG may nakakita kina Claudine Barretto at Raymart Santiago na magkasamang dumalaw nung Undas sa puntod ng mga yumaong mahal nila sa buhay, malamang na totoo ang iginiit nila sa isang joint statement bago mag-Undas na “we’re not separated.”

Actually, kahit na maraming media outlets ang naglabas ng joint statement na yon, wala namang naniniwala sa iginiit nilang hindi sila hiwalay. Sino ba namang bopol ang maniniwala ru’n eh alam naman ng lahat na inunahan ni Raymart si Claudine na ma-withdraw sa bangko ang umano’y limang milyong nasa account nila na ang pwedeng mag-withraw ay sinuman sa kanila. Bakit sila mag-uunahan kung sa iisang bahay naman sila nakatira?

Sa bandang dulo ng statement, may pahayag ang “mag-asawa” na sinusubukan nilang ayusin ang relasyon nila “through our lawyers.” Kung di pa sila hiwalay, kung mag-asawa pa rin sila, bakit hindi silang dalawa mismo ang mag-usap sa loob ng bahay nila?

Humihingi sila ng pang-unawa sa madla at sa media na pinagbibintangan nilang parang iniimbento lang ang mga ibinabalitang gusot sa buhay nilang “mag-asawa.” Marunong namang umunawa ang madla at may compassion naman ang media, pero maipadarama lang ng media ang compassion nito kung magiging matapat ang “mag-asawa” sa kalagayan nila at hindi na nila ito paiikut-ikutin pa.

Maraming pagkakataon na lubhang kailangan nila ang suporta ng media. In fact, nung wala ngang na-withdraw si Claudine sa  Union Bank (dahil naunahan na yata siya ni Raymart na kunin ang pera sa iba namang branch), tinawagan n’ya si Nelson Canlas ng GMA Network News para i-cover ang pagwawala n’ya sa bangko. (Actually, hindi pa rin naman malinaw hanggang ngayon kung na-withdraw nga ni Raymart ang sinasabing limang milyon sa joint account nila, dahil hindi naman pwedeng i-reveal ng bangko ang transaction ng isang account hanggang hindi iniuutos yon ng hukuman.)

Hindi ang media ang dapat usigin ng “mag-asawa” sa panahong ito kundi ang bangko na mistulang niloko si Claudine sa pagpapapunta sa kanya ru’n para makapag-withdraw. Bago siya pumunta ru’n ay pinakausap n’ya sa abugado n’ya ang branch manager para malaman nila kung buo pa ang pera sa joint account. Sinabihan naman daw ang lawyer na andu’n pa ang pera, at kasama pa nga ni Claudine ang babaeng abugado na yon sa pagpunta sa bangko–kaya dalawa silang nagalit nang paghintayin sika ru’n ng kalahating oras para sabihan lang na wala na umanong pera ang account kaya wala na silang mawi-withdraw (kaya’t umuwi si Claudine na luhaan).

Harinawa’y umayos na ang pag-iisip nina Claudine at Raymart. Maghiwalay sila kung kailangan na nilang maghiwalay. Hindi naman sila ang kauna-unahang mag-asawa sa Pilipinas na maghihiwalay.

At kung totoong hiwalay na sila ng kung ilang buwan na rin naman, tigilan na nila ang pagpapanggap.

* * * *

ANG dami palang “eksperto” sa paranormal dito sa atin. Meron pa nga tayong Philippine Paranormal Society na ang mga miyembro ay may kakayahang “makaramdam” ng “beings” na hindi nakikita ng iba.

Yan ang nadiskubre namin nung Sabado ng gabi bago mag-Undas sa panonood ng Kapuso: Jessica Soho at Imbestigador ni Mike Enriquez. Ni-“revisit” ng dalawang programs ang iba’t ibang lugar sa bansa na supposedly ay minumulto o pinaninirahan ng mga ispiritu. Ang mga “paranormal expert” ang nagbe-verify” kung totoong may gumagalang kaluluwa o ispiritu sa mga lugar na yon. At  parang mga ghostbuster pala sa pelikula ang mga “paranormal expert” natin ngayon: may gadgets na rin sila para ma-“detect” kung may kakaibang energy sa kapaligiran na indikasyon na may “multo” o “evil spirit” sa isang lugar.

Alam n’yo bang supposedly ay isa si Carmela Vizconde sa mga nagmumulto sa isang ghost-infested hotel sa Parañaque na isinara na dahil sa rami nga raw ng multong nagpapakita o nagpaparamdam du’n?

Sa hotel na iyon daw kasi nag-debut si Carmela Vizconde at yon umano ang naging huling kasayahang nadaluhan ng massacre victim ng Parañaque. Pero nung dinala si Lauro Vizconde sa hotel room kung saan supposedly ay nagmumulto ang anak n’ya, wala naman siyang naramdamang kakaiba. In short, di naman n’ya naramdaman ang presence du’n ng yumao n’yang panganay na anak.

Harinawa’y naging mapayapa ang inyong Undas. At sana’y maidagdag n’yo sa inyong panalangin ang katahimikan ng kaluluwa ni Ram Revilla na umano’y mismong ang kapatid n’ya ang nagpatodas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply