KYMCO Cup 2011, tagumpay!

MULING tinipon ng KYMCO Philippines ang kanilang mga loyal KYMCO riders para sa pinaka-inaabangang KYMCO Cup 2011, noong nakaraang linggo sa Boomland Kart Circuit sa Pasay.

Makulimlim ang ulap at tila nagbabadya ang masamang panahon noong nakaraang Nobyembre 6, araw ng Linggo, ngunit hindi nito natinag ang mga organizer at mga karerista upang ituloy ang itinakdang mga karera (at kasiyahan) nang araw na iyon.

Sa mga practice round pa lamang, kitang-kita na ang galak at sabik ng mga kalahok na makakuha ng titulo o di kaya’y maka-podium finish man lang sa karera ngayong taong ito.

Pagdating ng championship round, nagkasubukan ng tunay na galing at bilis ang ilan sa mga kalahok— nandyan ang Super 8 riders, Dink Riders, People riders atbp.

Para sa championship round ng Automatic A, si Fritzy Claveria ang nakapag-uwi ng championship trophy 1st runner-up si Paulino So, at 2nd-runner up naman si Oliver Navarro. Pasok rin naman sa top 5 si Ian Dayaram (3rd runner-up) at si Peter Donozo (4th runner-up).

Ang mga kalahok sa Automatic A ay ang mga rider na nagmamay-ari ng Super 8, Like o di kaya’y Free LX-165cc.

Naging mahigpit rin ang karera ng mga Dink, People, at Vivio-180cc riders sa kategorya ng Automatic B. Sa pagkakataong ito, nakuha na ni Oliver Navarro ang top podium spot, habang sina Ogie Callanga at Leo Saygo ang pumwesto sa 2nd at 3rd spot.

Nakipagbakbakan rin ang paboritong photographer ng mga karerista na si Richie “Papa Ricci” Abrina na pumasok sa 4th spot, habang ang batang si Koko Tadachi ang kumumpleto sa top 5. Ang on-the-rise na lady rider na si Danna Uy ay 6th placer.

Kung pabilisan ang naging labanan sa Automatic A at B, pabagalan naman ang naging sa Slow Race o mas kilala sa tawag na Turtle Fun Race. Nanalo si Marvin Manuel sa Turtle Fun Race-Scooter category, na sinundan nina Marlon Santos at James Mendez.

Kasing bagal rin ng pagong ang Turtle Fun Race Underbone Champ na si Crisostomo Españosa, pangalawa lamang sina Marlon Santos at pangatlo naman si Jomar Dela Cruz. Nagkaroon din ng Best Dressed KYMCO Bike Competition Automatic na kung saan si Christopher Francisco ang nakakami ng 1st Place, si Gabriel Bernardez sa 2nd at nagkaroon ng tie sa 3rd place sina Paul Recede at Nick Cuenza.

Ang total cash prize ay umabot halos sa P15,000.00 plus trophies.

Ang taunang KYMCO Cup ay pinangungunahan ng KYMCO Philippines, Inside Racing Magazine, at ng USRA (Underbone and Scooter Racing Association) bilang pagtanaw ng utang na loob ng KYMCO sa kanilang loyal costumers, at para ipamalas rin sa kanilang mga costumer ang saya at thrill ng pagkarera sa race track.

Nagsilbi ring selebrasyon at pasasalamt ng KYMCO Philippines ang pagtitipon nung Linggo para sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kanilang mga bagong produkto, gaya ng Super8, Visa, at Like 125.

Ang 2011 KYMCO Cup ay suportado ng MotorcyclePhilippines.com, Stoplight TV, Pinoy Speed, Ronda Remate Motoring, Motorsiklo Xklusibo, Repsol Lubricants, Motoworld, Racing Boy, HJC helmets, Denso Sparkplugs, GS Battery, at ng JM Mirasol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply