La Mesa Dam naka-red alert pa rin

NAGBABANTA pa ring umapaw ang La Mesa Dam kahit bumababa ng isang sentimetro bawat oras ang antas ng tubig dito.

Ayon sa huling report, naitala sa 79.72 metro ang antas ng tubig sa dam mula sa 79.75 metro, mas mababa ng 43 sentimetro mula sa spilling level na 80.15 metro.

Ayon kay La Mesa Dam Headworks Manager Teddy Angeles, posibleng bababa pa ang antas ng tubig sa dam dahil tumataas ang konsumo sa tubig ng publiko at nahinto na rin ang pag-ulan.

Gayunman, patuloy nilang binabantayan ang dam at binibigyan ng impormasyon ang local government units (LGUs) na apektado nito.

Itinaas ang red alert status sa La Mesa Dam matapos tumaas ang antas ng tubig nito dahil sa pag-ulan.

Samantala, bumaba na rin ang lebel ng tubig sa Marikina River.

Batay sa monitoring ng Marikina Rescue 161, normal na ulit ang tubig sa Marikina River kaya wala nang dapat ikabahala ang mga naninirahan malapit sa ilog.

Gayunman, babantayan pa rin nila ang ilog lalo na ngayong may La Niña phenomenon na magdudulot ng madalas na pag-ulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply