Laban kay Mayweather ibinasura na ni Pacquiao

HINDI na interesado ang kampo ni pound-for-pound king at WBO welterweight champ Manny Pacquiao na labanan si Floyd Mayweather Jr.

Ayon sa ulat, nagpadala na ng liham ang kampo ng Pambansang Kamao sa panig naman ni Mayweather makaraan ang kontrobersiyal na panalo ng Pinoy ring icon kay Juan Manuel Marquez.

Sinasabing mas interesado si Pacquiao na labanan sa ika-apat na pagkakataon si Marquez sa halip na si Mayweather.

Samantala, sinabi ni Hall of Fame trainer Emmanuel Steward na walang ibang dapat na sisihin si Marquez sa pagkatalo niya kay Pacman kundi ang kanyang sarili.

Si Steward, may-ari ng Kronk Gym at boxing analyst ng HBO Boxing, ay nagsabing hindi na siya nagulat sa reaksiyon ng mga tao sa Grand Garden Arena ng MGM nang matalo ito kay Pacquiao sa pamamagitan ng majority decision.

Ayon sa 67-year-old trainer, nakatama nga ang mga mabibigat na suntok ni Marquez ngunit hindi naman nito nayanig ang Pambansang Kamao kaya nabigong makuha ang World Boxing Organization (WBO) title.

Kasabay nito, ikinagalit ng boxing fans ang napanood nilang pang-aapak ng paa ni Marquez kay Pacquiao kaya hindi nakagalaw nang maayos ang Pinoy boxer.

Ilang beses na ginawa iyon ni Marquez kay Pacquiao kaya sinabi nilang hindi ito dapat paboran ng fans na naniniwalang ito ang nanalo.

Sa rounds 6, 7, 8, at dalawa sa round 12 ay nakita ang paa ni Marquez na inaapakan ang paa ng Pambansang Kamao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply