Laban ni Pacquiao mapapanood ng libre sa Parañaque

MAKARAANG aprubahan ang resolusyon bilang pagturing kay Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao na “Anak ng Parañaque,” muling magkakaroon ng libreng live screening ang laban ng tinaguriang People’s Champ at Juan Manuel Marquez sa mga piling lugar sa una at ikalawang distrito ng lungsod ng lungsod tulad na rin ng mga huli nitong laban.

Ang nasabing pagpapalabas ng pinakahihintay na labang Pacquiao-Marquez III ay inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Florencio M. Bernabe. Ito ay iniugnay sa mga may-ari ng prangkisa at mga pamahalaang barangay ng Youth and Sports Development Office (YSDO) na pinamumunuan ni Mr. Louie Perez at ng Tanggapan ni Konsehal Benjo Bernabe.

Magaganap ang bakbakan sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, USA sa darating na Linggo, Nobyembre 13, 2011 sa ganap na alas-8:00 ng umaga oras dito sa Pilipinas.

Ang libreng pagpapalabas ng nasabing laban ay gaganapin sa Baclaran Elementary School, Don Bosco, Don Galo at San Antonio gymnasiums.

Makipag-ugnay sa YSDO sa 2/F sa Parañaque City Hall para sa anumang katanungan.

“Nagapi na ni Manny Pacquiao si Juan Manuel Marquez; tiyak na muli siyang mangingibabaw dito. Ang Parañaque ay kasama ng buong bansa na sumusuporta kay Manny!,” pahayag  ni Mayor Bernabe.

Matatandaang inaprubahan ni Mayor Jun Bernabe ang City Resolution No. 05-024, serye ng 2005, isang lokal na lehislasyong tumuturing kay Manny Pacquiao na “Anak ng Parañaque” bilang pagkilala sa mga magagandang nagawa niya sa bansa sa larangan ng isports at dahil sa pagkakaroon nito ng mga pag-aaring hindi natitinag sa lungsod ng Parañaque.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply