Labas-masok ang droga sa Batangas jail, silipin

LANTARAN daw ang ginagawang bentahan ng droga sa loob ng Batangas Provincial Jail.Kung totoo man  ang balitang ito ay dapat lang na maalerto at kumilos ang mga otoridad para masugpo ang pagpapakalat ng droga sa loob ng  kulungan.

Hindi ko sinasabi na alam ni Batangas Provincial Jail Warden ret. Supt. Venus de Castro na naipupuslit ng kanyang mga tauhan ang bulto-bultong droga sa loob ng kulungan.

Animo’y kendi lang na nabibili sa mga sari-sari store o tindahan ang mga ibinebentang droga sa loob ng nasabing piitan.

Nakapagtataka kasi na ang isang preso na may kasong illegal drugs ay nagagawa pa nitong makipag-drug deal sa mga supplier ng droga at malaya pang naipapasok ang droga sa loob ng nasabing kulungan.Ayon pa sa ating source, mismo ang ilang tiwaling  jail guard ng nasabing kulungan ang umano’y mga kasabwat ng mga drug pusher para mapalaganap ang malawakang pagbebenta ng droga sa loob ng kulungan.

Habang isinusulat natin ang impormasyong ito ay hindi natin mahagilap ang jail warden ng nasabing piitan para hingan siya ng kanyang pahayag sa nasabing isyu.(ITUTULOY)

PROSTITUSYON SA LAPU-LAPU,  TULOY

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala tumitigil sa operasyon ng sex trade ang Lapu-lapu Sauna Bath sa Buendia cor Roxas Boulevard, Pasay City.Halos hindi na relaxation ang nangyayari sa sauna bath na ito dahil ang mga bilasang ‘bilat’ ng mga sauna attendant dito ang  kinakalakal rito.

Ang pinagtatakhan ko, bakit tila di kumikilos si Mayor Tony Calixto sa kabila ng ilang beses na nating tinatawagan ang kanyang tanggapan tungkol sa talamak na prostitusyon dito!oOoAnomang reklamo o puna ay itext lamang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply