Lacson absuwelto na sa Dacer-Corbito slay

ABSUWELTO na sa pagkakadawit sa pagpaslang sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito si Senator Panfilo Lacson matapos na katigan ng Korte Suprema ang unang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagbabasura sa mga motion for reconsideration na inihain ng pamilya Dacer.

Sa isang pahinang resulosyon ng First Division ng SC, ibinasura nito ang inihaing motion for reconsideration ng pamilya Dacer.

Inibasura din ng SC ang kahilingang oral argumnent ng pamilya Dacer dahil sa kawalan ng merito.

Si Sen. Lacson na noo’y pinuno ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ay una nang pinawalang sala sa ruling ng CA.

Dahil dito, nakahinga na ng maluwag ang senador dahil may final closure na ang kinasasangkutan nitong kasong double murder case. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply